Nagsulputang reclamation projects imbestigahan
MANILA, Philippines — Ipinasisilip ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party (ML) Partylist Rep. Leila de Lima sa Kamara ang kadudadudang pagsusulputan ng mga reclamation projects sa bansa kaugnay ng posibleng epekto nito sa kapaligiran at komunidad.
Si de Lima ay naghain ng House Resolution (HR) No. 574 upang siyasatin ng kinauukulang komite ng Kamara ang mga reclamation projects kabilang na ang Manila Bay.
“In view of the permits secured by the various reclamation projects in Manila Bay despite documented community-based concerns and science-based assessments pointing to their negative impacts on the environment and neighboring communities, there is a need to assess all reclamation projects in the country”, ani de Lima.
Ayon kay de Lima, kailangang madetermina kung tunay ang proseso ng pagkuha ng permits ng nasabing mga reclamation projects at tiyakin muna ang negatibong epekto nito sa kapaligiran bago ito pahintulutan kung makabubuti.
“Dapat nababantayan at namo-monitor ito nang maigi. Hindi dapat basta-basta pinapayagan o nakalulusot ang ganitong mga aktibidad na nakita na natin ang dalang panganib sa mga apektadong komunidad,” dagdag pa ng lady solon.
- Latest




















