‘No Juan Left Behind’ program, inilunsad sa Quezon City Jail

MANILA, Philippines — Maaari nang matupad ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Quezon City Male Dormitory ang kanilang mga pangarap sa ilalim ng ‘No Juan Left Behind’ program na inilunsad ng Quezon City Government.
Ito’y kasunod ng paglagda sa memorandum of agreement nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) Regional Director JCSupt Baby Noel Montalvo, Quezon City Jail Male Dormitory Warden JSupt. Maria Lourdes Pacion at iba pang opisyal ng BJMP at lokal na pamahalaan at kinatawan ng Radisson Hotel.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng oportunidad ang PDLs na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, makapagtapos ng kolehiyo at maaari pang magkaroon ng kabuhayan para sa kanilang pamilya.
Magkakaroon din ng libreng check-up at medical para sa mga PDL, gayundin ang livelihood skills at training hatid ng nabanggit na hotel.
Nagpasalamat naman ang BJMP kay Belmonte sa walang sawang suporta sa mga PDLs na may pagkakataon pa ring magbago.
- Latest



















