^

Metro

Pulis vlogger na malalaswa ang content, sibak

Angie de la Cruz, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulis vlogger na malalaswa ang content, sibak
Kinilala ni NAPOLCOM  Chief Commissioner Ralph Calinisan ang sinibak na si P/Staff Sergeant Alexis Karil Sabater matapos itong mapatunayang guilty. Iginiit nito na seryoso ang kasong ‘misconduct ‘ sa internal cleansing ng PNP.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sinibak na sa serbisyo ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang isang pulis dahilan sa mga video na  may ‘indecent social media content’na umano’y immoral na ini-upload nito sa social media account na “Semi Pogi “  mula Abril hanggang Hunyo 2025.

Kinilala ni NAPOLCOM  Chief Commissioner Ralph Calinisan ang sinibak na si P/Staff Sergeant Alexis Karil Sabater matapos itong mapatunayang guilty. Iginiit nito na seryoso ang kasong ‘misconduct ‘ sa internal cleansing ng PNP.

“Ako po ang nag-order ng motu proprio investigation dito. Ito po ay malinaw na insulto sa dignidad ng mga kababaihan pulis pa naman siya. Magsilbing babala po ito sa mga vloggers. Use your influence with prudence and be responsible when posting on social media”, ayon kay Calinisan sa ibinaba nitong kautusan. Ilan sa mga kontrobersyal na video ni Sabater ang uniporme ng pulis at nagpapakilala bilang miyembro ng PNP. Hindi siya kabilang sa opisyal na content creator o vlogger team ng PNP.

Hinatulan siyang guilty sa “conduct unbecoming of a police officer” at iniutos ang kanyang permanenteng pagtanggal sa serbisyo.

Samantalang nag-upload rin ng video ang nasabing parak na may hawak na papel na may mga bulgar na termino hinggil sa pagtatalik, pananampal ng babae, na pinipilit na kumain, pang-eengganyo ng sexual na aktibidad, mga babaeng nagpapakita ng suso, mga batang umiinom ng gatas habang nagbe-beer naman ang parak.

“Despite explicit prohibitions under PNP Memorandum Circular No. 2024-077, which bars the unauthorized use of police uniforms in social media content, PSSg Sabater appeared in uniform in several of the videos and publicly identified himself as a police officer on his Facebook page”, saad pa ni Calinisan.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with