^

Metro

Security guard tinodas ng kabaro

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang security guard ang namatay nang barilin ng kapwa sekyu matapos na makasagutan at magkasakitan kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas ­“Sonny”, 48, at residente ng M. Fernando St., ­Tangos South, Navotas City na nagtamo ng tama ng kalibre .9mm sa katawan habang nasa kustodiya naman ng Caloocan City Police Station ang suspek na si alyas “Joseph”, 41, ng Kaunlaran Village, Brgy. 8, Caloocan City.

Sa report nina PSSg. Deojoe Dador at PSSg. Randy Magastino kay Caloocan police chief PCol. Joey Goforth, alas-8:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng isang drugstore sa kanto ng A. Mabini St. at C-3 Road, Brgy. 23 ng lungsod.

Bago ito, nabatid na nagpalitan na ng duty ang biktima at suspek sa binabantayang botika at itinurn over na rin ang service firearm. Nagtungo sa kanilang rest area para magbihis ang biktima.

Subalit sa pag iikot ng suspek bandang alas-7:45 ng umaga, napansin niyang natutulog at hindi pa umuuwi ang biktima sa rest area na bawal sa panuntunan ng kompanya kaya ginising niya ito at pinayuhang umuwi na.

Sa halip na sumunod, pinagsalitaan umano siya ng hindi maganda ng biktima na nauwi sa komprontasyon hanggang paluin ng suspek sa ulo ang biktima na dahilan ng pagkasugat sa ibabaw ng kaliwang mata.

Binato naman ng biktima ng container ang suspek na naging dahilan upang bunutin ng huli ang service firearm at dalawang ulit na pinaputukan ang kasamahan.

CALOOCAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with