^

Metro

3 Freelance media binitbit

Doris Franche-Borja, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 Freelance media binitbit
Ang gamit na media ID ng tatlong kalalakihan na nasita sa pagsusuot ng Balaclava sa Maynila.
PNP

Anti-Balaclava violators

MANILA, Philippines — Tatlong umano’y  freelance media correspondents ang binitbit ng mga pulis habang nakatakip ang mga mukha at pagala-gala sa Ermita, Manila kahapon ng umaga, sa kasagsagan nang pagdaraos ng anti-corruption rally sa lungsod.

Sa report na ­ipinadala sa Camp Crame, ang dinakip ay sina alyas “Nick”, 18, part-time multi-media correspondent ng De La Salle University- Dasmariñas at residente ng Dasmariñas, Cavite; alyas “Al”, 23, freelance media correspondent ng Taguig City University at residente ng Brgy. Ibayo Tipas, Taguig City at “Ervyn”, 20, freelance media correspondent, at residente ng Tagaytay City, dahil sa paglabag sa Revised Ordinance 9134 o The Anti-Balaclava and Other Face Covering Ordinance.

Batay sa inisyal na ulat ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-9:30 ng umaga nang sitahin ng mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Units (TMRU) ang tatlo sa Plaza Salamanca, T.M. Kalaw Ave., Ermita, Manila matapos na mamataang nakasuot ng kevlar helmet,  balaclava mask na may vest, na may tatak na Media at nagmamasid sa lugar.

Nagpakilala ang tatlo bilang freelance media correspondents ng  “Kilusang Setyembre  Bente Uno” na pinopondohan ng hindi pa malamang  NGO.

Ayon sa kanila, nagsasagawa lamang sila ng coverage sa isinasagawang rally sa lugar.

Inimpormahan naman sila ng mga pulis na sila ay binitbit sa presinto ay dahil sa paglabag sa ordinansang ipinaiiral sa Maynila.

Matapos naman ang dokumentasyon sa kanilang identidad at kaukulang war­ning, kaagad rin namang ini-release ang mga violators.

Matatandaang una nang mahigpit na ipinairal ng Manila City Government ang Revised Ordinance 9134 o The Anti-Balaclava and Other Face Covering Ordinance bilang bahagi ng pagbibigay ng mahigpit na seguridad sa lungsod.

CAMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with