Panibagong batch ng 500 PDLs ng Bilibid inilipat sa Sablayan Prison
MANILA, Philippines — Isa pang batch ng 500 person deprived of liberty (PDLs) ang inilipat nitong Lunes mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City patungo sa Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na umabot na sa 13,781 ang kabuuang bilang ng mga PDL na inilipat mula sa NBP patungo sa iba pang Prison at Penal Farm bilang bahagi ng programa ng kawanihan para sa decongestion at paghahanda para sa planong pagsasara ng National penitentiary pagsapit ng 2028.
Ang mga inilipat na PDL ay sinamahan ng 150 tauhan mula sa NBP na may karagdagang tulong mula sa Philippine National Police Muntinlupa.
Samantala, inutusan ni Catapang ang lahat ng Superintendent ng mga OPPF na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang protektahan ang mga buhay at ari-arian sa kanilang mga nasasakupan bilang paghahanda para sa tropical depression na “Verbena.”
- Latest





















