‘Trash to Cashback’ ipatutupad sa Valenzuela
MANILA, Philippines — Totoo ang kasabihan na may pera sa basura, kasabay ng paglulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng programang ‘Trash to Cashback’: May Balik sa Basura na layong makagawian ang pagre-recycle ng mga basura.
Katuwang ang Basic Environmental System and Technologies Inc. (BEST), nais ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na isulong ang pag-uugali sa pag-recycle ng mga Valenzuelano, simula sa kanilang sariling mga tahanan, sa pamamagitan ng pagbibigay-insentibo at pag-convert ng mga recyclable sa monetary o redeemable rewards.
Bilang isa sa mga highly urbanized na lungsod sa Metro Manila, ang mabilis na paglaki ng populasyon ng Valenzuela ay katumbas ng pagtaas ng waste generation kaya sinisiguro ng LGU na may mga dump truck na kokolekta ng mga basura araw-araw na maaari namang i-recycle.
Ang mga recyclable gaya ng single-use na plastic, metal, papel, salamin, at electronic na basura ay may katumbas na Environmental Points na maaaring i-convert sa mga redeemable reward. Ang Trash to Cashback Program ay hindi lamang nagtataguyod ng pag-uugaling responsable sa kapaligiran, nag-aalok din ng pagkakataong kumita at mapalawak ang kamalayan sa mga benepisyo ng Trash to Cashback na initiative, sisimulan ng pamahalaang lungsod ang pagpapatupad ng programa sa mga komunidad na highly condensed tulad ng Disiplina Villages.
Nangako naman ang River Recycle na magbibigay ng mga basurahan gawa sa mga recycled na materyales habang ang Envirocycle ay nagbigay ng “E-bins” para sa electronic waste, at ang RMC Enviro Enterprises ay nagkaloob ng cash payments para sa mga residente na nangongolekta ng used cooking oil.
- Latest
















