Messenger, timbog sa dinispalkong pera ng bank manager sa online games
MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang bank messenger nang gamitin nito sa pagtaya sa online games ang pera na ipinadedeposito sa kanya ng bank manager sa Makati City.
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), si alyas “Jessie”, 38, residente ng Brgy.12, Caloocan City, ay dinakip nitong Nobyembre 19, habang naka-duty sa Alphaland Makati Place.
Lumilitaw naman sa reklamo ng bank manager na si alyas “Melanie”, 47, na ipinadala niya sa suspek ang P1,050,000.00 upang ideposito sa kanyang account.
Nagtaka ang bank manager at mga kasamahan nang hindi na makontak ang suspek hanggang sa sumagot ito at inamin na binawasan niya ng P650,000.00 ang pera at ginamit ang P400,000 sa online card games.
Napag-alaman na lulong umano sa online gaming ang suspek.
Sasampahan ng paglabag sa Qualified Theft o Article 310 ng Revised Penal Code.
- Latest
















