Malinis ang konsensya ko — Romualdez

MANILA, Philippines — My conscience is clear.
Ito ang mariing tinuran ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang reaksiyon sa naging buweltang pagsisiwalat ni dating House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co.
Sinabi ni Romualdez, kinatawan ng Leyte 1st District na hindi lumabas sa kahit anupamang imbestigasyon ang kaniyang pangalan, walang opisyal, kontraktor at iba pang mga testigo ang nagturo laban sa kaniya.
“I do not wish to comment on the recent statements and allegations made by former Rep. Zaldy Co because these were not made under oath and do not hold water in the court of law”, punto ni Romualdez.
Ayon kay Romualdez na nanatili ang kaniyang tiwala sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), Department of Justice at Ombudsman para isailalim sa ebalwasyon ang pasabog ni Co para maging patas at maging base ito lahat sa ebidensya.
“I remain ready to cooperate with any lawful process and I am confident that the truth will emerge through the proper institutions”, ani Romualdez.
Sa panig ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima, duda naman ito sa timing ng paglutang ni Co. Naghihinala si De Lima na may humahawak o kumokontrol kay Co lalo na at mga Duterte ang makikinabang sa naging expose nito na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagutos ng P100 bilyong pondo na isiningit sa 2025 national budget.
- Latest





















