^

Metro

PGH, binulabog ng bomb threat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PGH, binulabog ng bomb threat
Nabatid na ang pagbabanta ay natanggap ng isang programmer ng UP Manila PGH, Ermita, Manila, dakong alas-9:00 ng umaga ng unang matanggap ng programmer ang banta sa email, gamit ang email address na [email protected]. gayundin ang isang doktor, kaya’t kaagad itong ini-report sa pulisya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Binulabog ng bomb threat ang Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Manila, kahapon batay sa ulat ng Ermita Police Station 5 (PS-5) ng Manila Police District (MPD).

Nabatid na ang pagbabanta ay natanggap ng isang programmer ng UP Manila PGH, Ermita, Manila, dakong alas-9:00 ng umaga ng unang matanggap ng programmer ang banta sa email, gamit ang email address na [email protected]. gayundin ang isang doktor, kaya’t kaagad itong ini-report sa pulisya.

Nakasaad umano dito ang mga katagang, “ANG LUGAR NA ITO AY PUGAD NG NPA SA MAYNILA. AKSYA SA PONDO NG BAYAN. MGA BATANG PURO NGAWA ANG AMBAG SA LIPUNAN. PINAPAARAL NGAYON PARA LANG MAGING TRAYDOR SA GOBYERNO KINABUKASAN! NGAYONG ARAW SASABOG... ANG MENSAHE NG MGA TUNAY NA PILIPINO. WALANG LUGAR SA BAYANG ITO ANG TERORISTA!!! DAPAT PINUPUKSA ANG TERORISMO!!!”

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng MPD-District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU) at Special Weapons and Tactics (SWAT), at nagsagawa ng panelling sa bisinidad ng UP PGH.

Pagsapit ng alas-12:00 ng tanghali, habang nagsasagawa ng panelling ang mga awtoridad ay natanggap ng doktora ang panibagong mensahe sa kanyang telegram, na nagsasaad na, “NAKAPASOK NA PASABOG SA LOOB NG PGH”, kaya’t ini-report ito sa UP Police Office.

Pagsapit naman ng ala-1:30 ng tanghali ay natapos ang pagsasagawa ng panelling at naideklara na ring ligtas mula sa anumang hazardous at explosive materials ang bisinidad ng naturang pagamutan.

PGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with