Quezon City Promenade bukas na sa publiko

MANILA, Philippines — May bago nang lugar na mapapasyalan ngayon ang publiko particular ang mga QCitizens sa lungsod makaraang buksan ng LGU ang pinakabagong “Elevated Landscape Promenade” na pinakaluntian at kakikitaan ng mga halaman.
Ang elevated walkway ay kokonekta sa dalawang pinaka malaking Green Spaces sa QC, ang Quezon Memorial Circle at ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.
Bukod sa mga halaman at green landscape, mayron din itong rampa para sa mga siklista at puwede rin ditong mag jogging at maglakad kasama ang alagang hayop.
Bukas ang bagong overpass mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi, araw-araw.
Ang proyektong ito na naisagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa LGU na layong mai-promote ang mas environmentally sustainable spaces sa lungsod para sa kapakanan ng mga park-goers, commuters at QCitizens.
Sa tala ng DENR, nasa 12 percent lamang ang green spaces sa Metro Manila na karamihan pa ay hindi accesible sa publiko.
- Latest


















