Sanggol ibinenta ng P25K ng ina sa Facebook

MANILA, Philippines — Nasagip ng Philippine National Police- Women and Children Protection Center at ang Municipal Social Welfare and Development Office ang isang 4 na buwang sanggol na ibenta ng kanyang sariling ina sa Facebook.
Sa ulat ng National Authority for Child Care (NACC), agad na naaresto ng PNP-WCPC at MSWDO ng Marilao, Bulacan nitong Nobyembre 5 ang 29-anyos na suspek nang makumpirma na ibinenta ang sanggol sa halagang P25,000 sa FB.
Nasagip naman ang sanggol at nasa pangangalaga ng mga social worker.
Nahaharap naman
ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act at sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Kaugnay nito, mariing kinondena ni NACC Usec. Janella Ejercito Estrada ang naturang insidente, na aniya’y matinding paglabag sa karapatan ng bata.
Pinaalalahanan din ni Estrada ang mga magulang na huwag kailanman ibenta o ipamigay ang kanilang anak, at sa halip ay lumapit sa DSWD o NACC para sa tulong at tamang proseso ng pag-aampon o child care program.
- Latest




















