Dike sa Navotas, Nawasak

6K katao lumikas
MANILA, Philippines — Nagsagawa ng paglikas mula sa kanilang mga tahanan ang mahigit 6,000 katao matapos tumaas ang tubig sa karagatan na sinabayan pa ng pagkawasak ng dike dulot ng bagyong Uwan sa Navotas City nitong Linggo ng gabi.
Sa ulat, halos umabot ng hanggang dibdib ang tubig-baha sa loob ng mga kabahayan sa barangay Bagong Bayan South.
Kasunod nito, alas- 12:00 ng hating gabi nang bigla ring mawalan ng kuryente ang buong lungsod na labis ding ikinabahala ng mga residente.
Nakaantabay pa rin ang rescue team sa mga lugar na mga binaha upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.
- Latest



















