Mga biktima ni ‘Uwan’ kanlungin

MANILA, Philippines — Arsobispo ng Maynila sa mga paaralan, simbahan Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mga paaralan, simbahan at mga institusyon na pagkalooban ng pansamantalang mapagkakanlungan ang mga kababayan nating walang tahanan, habang nananalasa ang bagyong Uwan sa bansa.
Sa panawagan ng Ministry with Persons in Street Dwelling Situations ng arkidiyosesis, umapela ito sa mga paaralan, simbahan at mga establisimyento na may bubungan, ligtas na espasyo, at mga palikuran na tulungan ang mga taong nangangailangan ng pansamantalang matutuluyan.
“Kindly offer your spaces for our Persons in Street-Dwelling Situations during this time of need,” anang arkidiyosesis, sa isang pahayag.
Anito pa, ang mga interesadong partido ay maaaring kumontak sa ministry sa mga numerong 0960 210 3666, 0960 309 5965, at 0917 623 6172.
Una na ring ipinag-utos ng pamahalaan ang pagpapatupad ng sapilitang paglilikas ng mga mamamayang naninirahan sa mga lugar na inaasahang matinding maaapektuhan ng bagyo.
- Latest



















