^

Metro

Emergency Operations Center ng MMDA binuksan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Emergency Operations Center nito na matatagpuan sa Pasig City, bilang pag­hahanda sa epektong idudulot ng bagyong  Uwan na posibleng ma­ging super typhoon.

Sinabi ni Atty. Crisanto Saruca, officer-in-charge ng MMDA Public Safety Office, inaasahang magdudulot ng pagbaha ang paparating na malakas na bagyo.

“So, kagaya po ng dating paghahanda, binabantayan po natin ang pagbaha sa mga lansa­ngan, ‘yong related na mga landslides, at ‘yong pong possible evacuation ng ating mga kababayan kung kinakailangan po,” ani Saruca.

Inihayag nito na nakaposisyon na ang search and rescue teams and equipment sa buong capital region’s quadrants, habang puspusan din ang koordinasyon sa local government units (LGUs) at local risk reduction offices at iba pang pambansang ahensiya. Samantalang handa na rin ang MMDA sa mga paglikas kung kakailanganin, at tiniyak na 24 oras na bukas ang communications and command center na may hotline na 136.

CRISANTO

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with