^

Metro

Dalagita hulog sa loob ng mall, patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Dalagita hulog sa loob ng mall, patay
Caloocan Map.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines —Namatay ang Grade 12 student na dalagita nang mahulog mula sa ikatlong palapag ng kilalang mall sa Caloocan City noong Biyernes ng hapon, Oktubre 31.

Ayon sa ulat ng Caloocan City Police, kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan at menor-de-edad na babaeng karelasyon nang magtungo sa naturang mall noong bisperas ng Undas.

Sa kuha ng video na kumalat online, makikita ang estudyante na nakaupo sa gilid malapit sa escalator sa ikatlong palapag habang pinipigilan ng mga tao sa paligid, kabilang ang isang security guard at utility worker.

Ilang sandali pa, makikita siyang nagpumiglas at tuluyang nahulog pababa sa ground floor.

Agad siyang isinugod ng mga tauhan ng mall at mga pulis sa Manila Central University Hospital nguni’t binawian din ng buhay matapos ang mahabang oras na operasyon dahil sa matinding internal hemorrhage sa ulo.

Patuloy ang imbestigasyon ng Caloocan City Police upang alamin kung may naganap na foul play o kung may iba pang dahilan sa insidente.

CALOOCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with