Mahigit 100 PDLs sa Quezon City lalaya na sa GCTA program

MANILA, Philippines — Inaasahan ang maagang paglaya ng tinatayang mahigit 100 Persons Deprived of Liberty (PDLs ) sa Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), ayon sa ulat nitong Sabado.
Sa report ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sinabi ni QCJMD Warden Maria Lourdes Pacion, ang mga PDLs ay ginawaran ng kalayaan sa ilalim ng Araw ng Paglaya Program sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Pacion ang nasabing mga PDLs ay kumite at natanggap ang kanilang suweldo sa pamamagitan ng inisyatibo ng gobyerno upang makapagbagumbuhay ang mga PDLs kung saan ang pinansiyal na kompensasyon ay kinikita ng mga ito sa mga proyekto habang nasa kulungan.
Ang suweldo ng mga PDLs ay iprinoproseso sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
Sinabi ng opisyal dahilan hindi maaring humawak ng pera ang mga inmates habang nakakulong sa kanilang jail facility ang suweldo ng mga ito ay ikino-convert sa mga vouchers na makukuha sa pamamagitan ng mga amenities at pangangailangan ng mga ito habang nasa loob ng kulungan at sa pagbabalik ng mga ito sa normal na lipunan.
Sa tala ng BJMP, mula Enero hanggang Setyembre 2025 , nasa kabuuang 69,052 ng mga PDLs ay pinalalaya sa pamamagitan ng paralegal assistance sa buong bansa.
- Latest

















