^

Metro

Nigerian timbog sa robbery extortion

Ludy ­Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya  ang isang Nigerian national matapos maaktuhang nangingikil sa isang babaeng negosyante, sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) sa Las Piñas City, ayon sa report kahapon.

Kinilala ni SPD Acting Director P/ BGen Randy Arceo, ang suspect na si alyas “Dennis”, 48-anyos, Nigerian national, residente ng Paco, Maynila na inireklamo ng dating karelasyon na si alyas “Marie”, 50-anyos, negosyante sa Las Piñas City.

Dakong alas-6:20 ng gabi ng Oktubre 16, nang arestuhin ang suspect sa isang fastfood restaurant sa Daanghari Road, Barangay Almanza Dos ng naturang lungsod.

Sa reklamo ng biktima, humihingi umano ng P1-milyon ang suspect at kung hindi magbibigay ay may ibubunyag siya na makakasira sa negosyo ng complainant.

Base sa salaysay ng biktima nagkaroon  siya ng relasyon sa suspect na tumagal ng 3 taon at nang makipagkalas na siya sa naturang Nigerian ay sinimulan na siya nitong takutin at kotongan ng nasabing halaga. Hindi na nakapalag ang suspect matapos na arestuhin ang mga awtoridad at nabawi ang pera na boodle money at isang genuine na ­­P1,000 sa ibabaw.

SPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with