Konsehal ng Maynila, ‘di makikipag-ayos

Sexual harassment scandal
MANILA, Philippines — Tila malabong makipag-ayos si Manila 4th District Councilor Eunice Castro sa kapwa nito Konsehal na si Ryan Ponce sa kasong isinampa ng una sa Ethics Committee ng Manila City Council.
Nabatid na nagharap kahapon sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni District 5 Councilor Jaybee Hizon sina Castro at Ponce kung saan muling nangibabaw ang galit ni Castro dahil sa ginawang pambabastos sa kanya ni Ponce.
Ayon kay Castro, nagpakita si Ponce ng iba’t ibang pambabastos sa kanya simula Hulyo hanggang Setyembre ngayon taon tuwing sa sila ay nagkikita.
Inisa-isa muli ni Castro sa pagdinig ang mga “inappropriate language” at mga bastos na chat messages ni Ponce kabilang na ang pagbati ng “good morning, sexy” at pagpapakita ng female genitalia.
Giit ni Castro, dapat na mataas ang antas ng bawat public servant at iwasan ang anumang uri ng pambabastos sa kahit kanino partikular sa mga kababaihan.
Dagdag pa ni Castro, dapat na magsilbing ehemplo ang mga public officials sa publiko.
Muli namang humingi ng paumahin si Ponce kay Castro.
- Latest



















