FFCCCII pabor na gawing televise ang ICI
MANILA, Philippines — Pabor ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na gawing televise ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastracture (ICI) kaugnay ng katiwalian sa mga flood control projects sa bansa.
Ayon kay FFCCCII President Victor Lim, dapat lamang na malaman ng publiko ang takbo ng imbestigasyon sa mga flood control kung saan dawit ang ilang mga mambabatas at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bagama’t nalulungkot sila sa nangyayari, sinabi ni Lim na karapatan din naman ng bawat Pilipino na malaman ang ang utak at sanhi ng katiwalian lalo pa’t buwis ng bawat mamamayan ang nakasalalay dito.
Samantala, nagsagawa ng medical at dental mission ang FFCCCII sa Brgy. 177 sa Gagalangin, Tondo, Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Brgy. Chairman Eddie Yu at CFC Handmade of the Lord.
Bandang alas-8 ng umaga nang simulan ng nasa 15 doktor ang medical mission para upang maserbisyuhan ang mga residente sa nasabing barangay. Nabatid na nasa 600 residente sa barangay ang nakapagpakonsulta, 100 ang sumailalim sa bunot ng ngipin habang 100 ang nabigyan ng libreng reading glass.
- Latest


















