^

Metro

Public access sa SALNs suportado ng solon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang desisyon ni  Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na maglalabas ang kanyang tanggapan ng bagong memorandum na magpapahintulot muli ng publikong access sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan, kabilang na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Ayon kay Santos, ang hakbang ni Remulla ay isang “matapang at napapanahong hakbang tungo sa pagpapanumbalik ng transparency at pananagutan sa pamahalaan.” Dapat na aniyang iba­sura ang 2020 policy na naglimita sa access ng publiko sa SALNs.

Ang naturang 2020 memorandum na inilabas ni dating Ombudsman Samuel Martires ay nag-aatas na kailangan muna ang pahintulot ng mga opisyal bago mailabas ang kanilang SALN, isang patakaran na tumanggap ng matinding batikos dahil sa kakulangan ng transparency.

Binigyang-diin ni Santos na ang hakbang ni Remulla ay naaayon sa Republic Act 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, na nagsasaad na dapat maging bukas sa inspeksyon at pagkopya ng publiko ang SALNs matapos ang makatuwirang abiso.

“Mahalagang kasangkapan laban sa korapsyon ang SALN system. Sa pamamagitan nito, muling maibabalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng gobyerno,” wika ni Santos.

Hindi rin dapat ga­miting dahilan ang data privacy upang takasan ang pananagutan.

Pinuri rin ni Santos ang pahayag ni Remulla na paiimbestigahan niya ang mga umano’y iregularidad sa mga proyekto sa flood control at titiyakin na “walang sasantuhin” — kahit pa mga matataas na opisyal.

MARK ANTHONY SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with