^

Metro

Bagitong pulis na ‘trigger happy’, arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bagitong pulis na ‘trigger happy’, arestado
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Art. 254 of RPC (Illegal Discharge of Firearm) ang suspek na si alyas “Nolly”, 25, nakatalaga sa Headquarters Support Service, Camp Rafael T. Crame, Cubao, Quezon City at residente ng Cubao,QC.
STRA/ File

MANILA, Philippines — Isang bagitong pulis ang kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon City Police District-Cubao Police Station 7 makaraang ireklamo ng pagpapaputok ng  kanyang baril sa harap ng isang resto bar sa nabanggit  na lungsod.

Nahaharap sa reklamong  paglabag sa Art. 254 of RPC (Illegal Discharge of Firearm) ang suspek na si alyas  “Nolly”, 25,  nakatalaga sa Headquarters Support Service, Camp Rafael T. Crame, Cubao, Quezon City at residente ng Cubao,QC.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-3:44 ng  madaling araw nang mangyari ang pagti-trigger happy ng  suspek sa harap ng Padis Point Restobar sa  Imperial St. Cor. Aurora Blvd. Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Bago ito,  alas-10 ng  gabi nitong Biyernes, Oktubre 3 nang  pumasok sa nabanggit na restobar ang  pulis kasama ang dalawang  iba pa. Iniwan naman ng  pulis ang kanyang baril sa  duty bouncer sa labas ng  restobar.

Makalipas ang   limang oras, lumabas ang pulis at kinuha sa duty bouncer ang  kanyang service firearm at  dalawang beses nagpaputok  ng baril sa lupa.

Agad na humingi ng  responde ang  establisimiyento at bitbit ang pulis nina Pat Mohammad Naif Adil at Pat Jess Piglay.

Nakuha sa suspek na pulis ang  isang Taurus TS9 cal. 9mm na ay serial number TMR04365, tatlong magazine, 33 piraso ng 9mm live ammunitions at basyo ng  bala ng baril.

RPC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with