^

Metro

3 ‘bagets’ na bugaw, arestado sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 ‘bagets’ na bugaw, arestado sa Caloocan
Kinilala ni NPD Director PBGen. Jerry Protacio ang mga suspek na sina alyas “Ronald”, alyas “Jessel” at alyas “Hanna”. Ang mga ito ay nasa edad 15 at 16.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong ‘bagets’ na bugaw ang dinakip ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang entrapment operation sa isang fastfood sa Caloocan City.

Kinilala ni NPD Director PBGen. Jerry Protacio ang mga suspek na sina alyas “Ronald”, alyas “Jessel” at alyas “Hanna”. Ang mga ito ay nasa edad 15 at 16.

Ayon kay Protacio, nakatanggap sila ng impormasyon na sangkot ang mga suspek sa prostitution at ibinubugaw mismo ang kanilang mga kai-bigan sa mga kliyenteng Pinoy at ilang dayuhan.

Sinabi ni Protacio na magaling makipagtransaksiyon online ang mga kabataan kaya madaling na eenganyo ang mga kliyente.

Dahil dito, ikinasa ng NPD District Special ­Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni PLtCol. Mike Gomez katuwang ang Women and Children Protection Desk at City Social Welfare and Development ang entrapment kung saan huli sa aktong ibinubugaw ng mga suspek ang pitong kababaihan.

Sinabi ni Protacio, nakababahala na nasasangkot sa pambubugaw ang mga menor-de-edad.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2004 ang mga suspek habang nasa pangangalaga ngayon ng City Social Welfare Office ang pitong kababaihan na na-rescue.

NPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with