^

Metro

Higit 93,000 Malabuenos tumanggap ng ayuda

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit 93,000 Malabuenos tumanggap ng ayuda
Ayon kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval , bahagi ito ng layunin ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng access ang bawat mamamayan sa mga programa ng pamahalaang lungsod, ano man ang estado sa buhay.
Malabon City Government Facebook Page

MANILA, Philippines — Inihayag ni  Malabon  City Mayor Jeannie Sandoval na ipinamahagi na ang ika-apat na tranche ng ayuda sa ilalim ng Malabon Ahon Blue Card (MABC) sa 93,409 Malabuenos.

Ayon kay Sandoval, bahagi ito ng layunin ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng access ang bawat mamamayan sa mga programa ng pamahalaang lungsod, ano man ang estado sa buhay.

Mula September 15 hanggang October 31, 2025, maaaring makuha ng mga benepisyaryo ang kanilang ayuda sa pamamagitan ng BancNet-powered ATMs, mga sangay ng United Storefront Services Corporation o USSC nationwide, o gamitin ang MABC bilang debit card sa mga tindahan at establisimyento na tumatanggap ng card payments.

Paliwanag ng Monitoring, Evaluation, Accoun­tability, and Learning (MEAL) Office, makakatanggap ng text mula sa USSC ang mga kwalipikadong benepisyaryo bago makuha ang ayuda. Nakalat­hala rin sa MABC Facebook page ang listahan ng mga tatanggap.

Layon ng MABC na inilunsad noong Disyembre 2022, na magsilbing plataporma para sa mas episyente at transparent na pagbibigay ng serbisyo ng lokal na pamahalaan.

MALABON

SANDOVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with