MTPB inilabas listahan ng ‘no parking’ at ‘absolute no parking zones’

MANILA, Philippines — Naglabas ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng listahan ng mga lugar sa Maynila na sakop ng “No Parking” at “Absolute No Parking Zones”.
Ito ay alinsunod sa napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila, na nag-apruba ng uniform street parking ban sa mga pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila upang maibsan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Batay sa listahang inilabas ng MTPB, nabatid na kabilang sa mga deklaradong ‘absolute no parking zones’ sa Maynila, ang Pres. Quirino Avenue, Roxas Boulevard (R-1), Taft Avenue (R-2), Magsaysay Boulevard / Aurora Boulevard (R-6); Rizal Avenue (R-9), Delpan (R-10), at ang 17 Mabuhay Lanes.
‘No parking zones’ naman ang Agusto Francisco St., Alfonso Mendoza St., Apacible St., Arellano Avenue, Ayala Boulevard, Bacood St., Beata St., Blumentritt Road sa Sampaloc, Carreon St., Dimasalang St., Estrada St., Fajardo St., Finance Road, Geronimo St., Guanzon St., Jesus St., Jose Abad Santos Avenue, Kalaw (westbound), Laong-Laan St., Laura St., Lawton, Legarda St., Leon Guinto St., M. dela Fuente St., Maceda St., at Maria Clara St..
Deklarado ring ‘no parking zones’ ang Moriones St., Natividad Lopez St., Old Sta. Mesa, Onyx St., Osmeña Highway, P. Sanchez St., Pablo Ocampo St., Padre Burgos Avenue, Padre Faura St., Panadero St., Paz St., Pedro Gil St., Penafrancia St., Pres. Quirino Extension, Quirino St. sa Tondo, R. Magsaysay, Retiro St., Mel Lopez Boulevard (R-10), Romualdez St., San Andres Bukid, San Anton St., San Marcelino St., Singalong St., Tayuman St., Tejeron St., United Nations Avenue, Vicente Cruz St., Victorino Mapa Extension, Victorino Mapa St., at Zobel Roxas St..
Matatandaang sa pagpupulong ng Metro Manila Council kamakalawa, ipinasa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Regulation No. 25-001 na nagbabawal nang pagparada sa national primary roads at nililimitahan ang parking sa mga secondary road tuwing peak hours.
- Latest

















