^

Metro

5 minor, 8 iba pa nasagip sa ‘bugaw’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga operatiba ng Taguig City Police Station ang limang menor-de-edad at walong nasa hustong gulang mula sa umano’y human trafficking scheme sa loob ng isang spa na itinago bilang wellness center sa New Lower Bicutan, Taguig City, Miyerkules ng madaling araw.

Naganap ang operasyon dakong 1 ng madaling araw kahapon sa pamumuno ni PCol. Byron Allatog, Officer-in-Charge ng Taguig CPS nang salakayin ang isang spa at dinakip ang mga may-ari ng spa na sina alyas “Rafael”, 39; at “Riza”, 35 na sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), na inamyendahan ng RA 10364 at RA 11862 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act).

Nag-ugat ang operasyon matapos makakuha ng impormasyon ang Taguig CPS hinggil sa pambubugaw ng may-ari ng spa sa mga biktima sa extra service o pakikipagtalik. Ilang operatiba ang nagpanggap na kliyente at nakumpirma na ang iligal na aktibidad.

Kasama sa pagsalakay ang mga operatiba ng Intelligence Section ang Women and Children Protection Desk, at Taguig Sub Station 9, at social welfare officers.

Nakapiit na sa Women and Children Protection Desk ang dalawang suspek.

TAGUIG CITY

NEW LOWER BICUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with