^

Metro

Kauna-unahang angiogram procedure sa OsMa, tagumpay - Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaking tagumpay ang kauna-unahang libreng angiogram procedure na isinagawa sa Ospital ng Maynila Medical Center nitong Lunes ng gabi.

Ito ang masayang ibinalita ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos maisagawa ang procedure sa dalawang pasyenteng lalaki na kinabibilangan ng isang pulis sa Cardiac Catheterization Laboratory OsMa. “Salamat sa Diyos successful”, ani Domagoso.

Nagpasalamat ang alkalde sa Cath Lab team sa pangunguna ni OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla gayudin sa medical team na kinabibilangan Dr. Camilo Oliver Aquino, Dr. Wilfred Dee, Dr. Ian Bagauisan, Dr. Perry Jun Prieto, Dr. Jeremias Balgua Jr.at  Dr. Oliver Nelson Zane at Cath Lab staff members na sina Veronica Imbag, Ruben Mendoza, Christian Macansantos, Ricky Matic, Crisel Nicolas at Joannette de Vera.

Ayon kay Domagoso, ang angiogram ay bahagi ng pangako ng city government na mapalawak ang libreng public healthcare services.

Sa mga pribadong ospital, ang angiorgram ay umaabot sa ?58,000 habang ang angioplasty ay nagkakahalaga ng ?300,000.

Nilinaw ng alkalde na nabigyan sila ng lisensiya ng Department of Health (DOH) noong Enero 7, upang maglagay ng advanced imaging equipment upang  ma-diagnose  at magamot ang sakit sa puso ng  hindi kailangan ang open surgery. 

CENTER

MEDICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with