^

Metro

‘Love Bus’, malasakit sa commuters - LTFRB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III na ang pagbuhay sa “Love Bus” ay pagpapakita ng malasakit ng  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga commuter.

Ayon kay Guadiz, sa muling pagbuhay ng Love Bus at pagpapatuloy ng Libreng Sakay Program sa Metro Manila, mabibigay ito ng gaan sa pagbiyahe ng mga mananakay partikular sa kahabaan ng EDSA Carousel route.

Sinabi ni Guadiz, na ang proyekto ay hindi lamang nagsusulong ng abot-kaya at mahusay na paglalakbay kundi nagbibigay din ng ligtas, maaasahan, at marangal na pampublikong transportasyon.

Aniya, milyun-mil­yong commuter ang nakikinabang sa mga libreng sakay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at gastusin sa pamumuhay.

Pareho ang Love Bus at Libreng Sakay ay naaayon sa Public Transport Modernization Program ng gobyerno na layong makalikha ng mas ligtas at commuter-friendly na sistema ng transportasyon.

Unang ipinakilala noong 1970s, muling ibinabalik ang Love Bus sa ilalim ng administrasyong Marcos.

TEOFILO GUADIZ III

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with