^

Metro

18-anyos na lider ng Robbery Group, tiklo sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 18-anyos na sinasabing lider ng grupo ng robbery holdup, matapos malaglag sa buy-bust ­operation sa pagbebenta ng baril sa Taguig City nitong Miyerkules.

Ang suspek na si alyas “Renzo”, ng Guadalupe Viejo, Makati, ay nahulihan ng isang kalibre .45 pistola na walang serial number, magazine at 3 bala.

Dakong alas-9:45 ng gabi ng Setyembre 10, nang maaresto ang suspek sa JP Rizal Extension, Bliss Area, Brgy. 25, Cembo, Taguig City sa pagbebenta sa poseur-buyer na operatiba ng Southern Police District’s Special Operations Unit at Taguig City Police Station.

Sinampahan na ng reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Ayon sa ulat, si Renzo ay sangkot sa serye ng holdapan sa Taguig at Makati, kabilang ang insidente noong Agosto 16, 2025, kung saan nadakip ang kanyang mga kasamahan, habang siya ay nakatakbo sa loob ng Market-Market sa Taguig City. Siya ang ikinanta ng mga kasamahan na lider ng kanilang grupo.

RENZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with