^

Metro

Buntis, kapatid todas sa riding-in-tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Buntis, kapatid todas sa riding-in-tandem
Idineklarang dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas “Angela”, 36, na isang buntis at kapatid na si alyas “Jennifer”, 33, habang ginagamot naman sa ospital ang kaibigang si alyas “Rosa”, 33 pawang mga residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, QC.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang magkapatid na isa rito ay buntis habang sugatan  ang kanilang kaibigan matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem kama­kalawa ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City.

Idineklarang dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas “Angela”, 36, na isang buntis at kapatid na si alyas “Jennifer”, 33, habang ginagamot naman sa ospital ang kaibigang si alyas “Rosa”, 33 pawang mga residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Batay sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit-Quezon City Police District (CIDU-QCPD) nangyari ang insidente bandang alas-8:50 ng gabi sa bahay ng mga biktima sa Villareal St. Brgy. Gulod.

Abala ang mga biktima sa paghahanda ng lootbags na gagamitin sa kaarawan ng kanilang pamangkin nang duma­ting ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sunud-sunod na mga putok ang umalingaw-­ngaw hanggang sa tumam­bad ang duguang mga biktima habang tumakas naman sakay ng motorsiklo ang mga suspek.

Ayon sa ama ng magkapatid na biktima, sinabi ng kanyang anak na si Jennifer na may nagbaban­ta sa kanya at pinagbigyan umano siya ng “tatlong araw” na palugit. Hindi naman maliwanag kung para saan ang ‘tatlong araw’.

“Bale, based sa witness na nakuha natin, pinasok ‘yung bahay ng dalawang suspek and allegedly may dalang baril both parehas ‘yung suspek may dalang baril and bumaba daw ‘yung mga suspek na ‘yun sa motor, iisang motor ‘yung gamit nila and dire-diretso dun sa bahay,” ayon naman kay PLt. Col. Aljun Belista, hepe ng Novaliches Police Station 4.

Sa pagsisiyasat ng  SOCO Team  mula QCPDFU sa pangunguna ni PCMS Federico Manzano, nakuha sa crime scene ang tatlong basyo ng cal. 9mm at tatlong basyo ng cal. 45.

CIDU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with