^

Metro

Multi-pronged traffic plan sa Las Piñas inilatag ni Rep. Santos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinulong ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang isang komprehensibong estratehiya upang maresolba ang lumalalang problema sa trapiko sa lungsod, partikular sa mga pangunahing kalsada gaya ng Alabang-Zapote Road, CAA Road, at Marcos Alvarez Avenue.

Ayon kay Santos, ang kakulangan ng alternatibong ruta, mahinang pagpapatupad ng mga batas-trapiko, at patuloy na pagdami ng pampubliko at pribadong sasakyan ang pangunahing dahilan kung bakit pahirapan ang araw-araw na biyahe ng libu-libong residente at motorista.

Upang tugunan ito, makikipag-ugnayan si Santos sa mga pambansang ahensya at sa lokal na pamahalaang pinamumunuan ni Mayor April Aguilar at ng Sangguniang Panlungsod para sa pagpapatupad ng mga panandalian, panggitna, at pangmatagalang solusyon sa trapiko.

Kabilang sa mga pangunahing hakbang ang pagpapalawak at rehabilitasyon ng mga pangunahing kalsada gaya ng Alabang-Zapote Road, pati na ang pagtatayo ng mga bagong access roads at alternatibong ruta upang maibsan ang bigat ng trapiko.

Isinusulong din niya ang pagpapabilis at pagpapakumpleto ng mga proyektong imprastruktura sa ilalim ng Build Better More program, kabilang ang pagpapalapad ng mga tulay at pagtatayo ng mga flyover.

Upang matiyak ang maayos na implementasyon, iminungkahi ni Santos ang pagbuo ng isang multi-agency traffic task force na binubuo ng Metro Manila Development Authority, Land Transportation Office at LGU upang mangasiwa sa koordinasyon, pagpapatupad, at pagpaplano.

MARK ANTHONY SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with