Cong. Marcy, tinawag na demolition job ang pagsiwalat sa double funding ng DPWH projects 2026.
MANILA, Philippines — “Klaro na klaro na pagkatapos kong i-expose ang DPWH project sa 2026 NEP na tapos na pero isinama pa rin sa program (double funding), ngayon na-man ay ako ang pilit na idinadawit sa mga kalokohan nila.”
Ito naman ang sinabi ni Marikina Representative Marcy Teodoro sa pagsasabing isang demolition job at diversionary tactics ng mga sindikato ang pag-uugnay sa kanya sa mga kontrata ng flood control projects sa lungsod at malihis sa tunay na isyu ng korapsyon at anomalya sa flood control projects ng DPWH.
Giit ni Teodoro, walang katotohanan ang mga paratang at pagbubunyag ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya kahapon sa pagdinig ng Senado. Aniya, ikinagulat niya ang pagbubunyag ng mga Discaya kaya pinag iisipang magsampa ng kaso laban sa mga ito ng perjury.
Paliwanag ni Teodoro, hindi pa siya ang congressman noong na-award ang kontrata sa Discaya at panahon pa umano ng yumaong si Bayani Fernando.
Hinimok niya ang publiko na maging mapanuri sa disinformation at tanungin ang motibo ng mga nagpapakalat nito.
Handa rin aniya, siyang makipagtulungan sa anumang patas at transparent na imbestigasyon para patunayan ang aking pagiging inosente.
- Latest
















