BI todo-bantay sa 61 indibidwal na sangkot sa flood control
MANILA, Philippines — Inihayag ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na todo bantay na sila sa 61 indibidwal na mga sangkot sa kahina-hinalang flood control projects.
Ayon kay Viado na nakatanggap sila ng kopya ng immigration lookout bulletin order (ILBO) hapon ng Setyembre 3, na nag-uutos sa mga opisyal ng immigration na mahigpit na subaybayan ang mga pangalang kasama sa listahan.
Ang kautusan, na nilagdaan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, ay tumutukoy sa mga kalakip na liham ni Senador Rodante D. Marcoleta na namumuno sa Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations, at Atty. Rodolfo Noel S. Quimbo, Director General ng Blue Ribbon Oversight Office Management (BROOM), na humihiling ng pagpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) o Watch List laban sa 35 indibidwal kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng Senado bilang tulong sa batas sa “Philippines Under Water” hinggil sa napaulat na malfeasance, flood controls projects.
Nilinaw ni Viado na ang ILBO ay para lamang sa pagsubaybay, at hindi ito sapat na pagbabawal para sa pag-alis ng isang subject sa Pilipinas.
Kasama sa ILBO sina Alex at Raymond Abelido, Cezarah Discaya, Ma. Roma Discaya Rimando, Allan Quirante, at 30 iba pa.
- Latest


















