^

Metro

16 ‘ghost’ project ng DPWH sa Las Piñas, isiniwalat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tinatayang 16 sa 61 proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Las Piñas City ang natuklasang “ghost” o hindi natapos kasunod ng kumpirmasyon ni DPWH Undersecretary for Technical Services Ador Canlas kung saan 8 ang flood control initiatives na nagkakahalaga ng P416 milyon para sa taong 2025 lamang.

Ito’y ayon kay Las Piñas Lone District Rep. Mark Anthony Santos, sa pagsasabing ang mga ghost at piecemeal na proyekto ay malinaw na pag-aaksaya ng pondo ng bayan at isang pagtataksil sa tiwala ng mamamayan. Nanawagan ako  si Santos sa Commission on Audit na magsagawa ng kumpletong audit at panagutin ang mga responsable sa kapabayaan at posibleng korapsyon.

Ang mga multi-million-peso projects aniya, ay karamihang “nakorner” lamang ng 4-5 kontratista. Isa sa mga natukoy na “ghost” na proyekto ay ang P65.4-milyong rehabilitasyon ng kontrobersyal na C-5 Road Extension sa Barangay Manuyo Dos, na iginawad sa Zero One Construction and Trading Inc./Omnicon Builders.

Sa kontrata ng DPWH Las Piñas–Muntinlupa District Engineering Office, ang proyekto ay may petsang simulan na Pebrero 12, 2025 at makukumpleto ng Abril 12, 2025, subalit zero percent pa o walang nagawa, gayundin ang Zero One Construction na may P28.9 milyon para sa pagtatayo ng multi-purpose building sa Barangay Talon 1 na noong Enero 31, 2025 ay simulant matatapos ng Agosto 28, 2025, subalit hanggang ngayon ay zero pa rin ang natapos.

Isa pang kinwestyon ang kung bakit patuloy na binibigyan ng pinakamalaking alokasyon ng DPWH ang C-5 Road Extension kahit walang malinaw na plano o aktwal na proyekto sa lugar.

SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with