^

Metro

2 pulis sugatan sa demolisyon

Doris Franche-Borja, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Tensiyon sumiklab

MANILA, Philippines — Sumiklab ang tensiyon sa isinagawang demolis­yon ng mga kabahayan sa Tondo, Maynila, kahapon kung saan dalawang pulis ang sugatan.

Sa ulat, ikinasa ang demolition sa mga bahay sa bahagi ng Abad Santos Avenue malapit sa Antipolo St., kung saan naglabas na ng court order (CO) para paalisin ang mga residente at mabawi ng pribadong kompanya ang lupa.

Nagmatigas umano ang mga residente at pinagbabato ng mga bote, kahoy at mga bakal ang demolition team at barikada ng mga pulis sa nasabing barangay.

Nagwala ang isang lalaki at nanghampas ng kahoy kung saan tinamaan sa ulo ang isang miyembro ng demolition team.

Ayon sa sheriff, naatasan lamang sila na magsilbi ng kautusan sa demolisyon, at sa katunayan ay taong 2018 pa sinabihan ang mga residente na umalis na sa nasabing lugar dahil private property ang lupang tinayuan nila ng kanilang mga tahanan.

Nagkaroon na umano ang magkabilang panig ng kasunduan na bawat pamilya ay bibigyan umano ng P50,000 subalit hindi pumayag ang mga residente.

Napayapa lamang ang sitwasyon ng dumating ang hepe ng Manila Police District (MPD) Station-7 at tatlong konsehal na namagitan at kinausap ang demolition team na huwag munang ituloy ang demolisyon.

MAYNILA

TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with