Ilan pang toll lanes sa NLEx isasara

Mula Agosto 26 – 30
MANILA, Philippines — Ilan pang toll lanes sa North Luzon Expressway (NLEx) ang pansamantalang isasara bunsod ng isasagawang system enhancements mula Agosto 26 hanggang 30.
Sa abiso ng NLEx Corporation nitong Lunes, kabilang sa mga mga toll lanes na pansamantalang isasara mula 8:00PM ng Agosto 26 hanggang 4:00AM ng Agosto 27 ay ang San Simon Southbound Exit X03, San Simon Southbound Entry E03, San Simon Northbound Entry E02, at San Fernando Northbound Exit X02 at X03.
Sarado naman mula 8:00PM ng Agosto 27 hanggang 4:00AM hanggang Agosto 28 ang San Fernando Northbound Exit X04 at X05, San Fernando Southbound Exit X01 at X02, at San Fernando Southbound Entry E03 at E04. Mula 8:00PM ng Agosto 28 hanggang 4:00AM ng Agosto 29 naman ang temporary closure ng San Fernando Southbound Exit X03 at X05, San Fernando Northbound Exit X06 at X07, Mexico Toll Plaza X03, at Mexico Toll Plaza E02 at mula 8:00PM naman ng Agosto 30 hanggang 4:00AM ng Agosto 31 ay sarado ang Angeles Toll Plaza X02, X04 at X07.
Matatandaang una nang nag-anunsiyo ang NLEx ng temporary toll lane closures mula Agosto 18 hanggang 30.
Alinsunod sa naturang abiso, sarado mula 8:00PM ng Agosto 25 hanggang 4:00AM ng Agosto 26; at mula 8:00PM ng Agosto 27 hanggang 4:00 ng Agosto 28 ang Balagtas Toll Plaza Interchange Northbound Exit X02.
Mula 8:00PM naman ng Agosto 28 hanggang 4:00AM ng Agosto 29; mula 8:00PM ng Agosto 29 hanggang 4:00AM ng Agosto 30 at mula 8:00PM ng Agosto 30 hanggang 4:00AM ng Agosto 31 ay sarado ang Pulilan Northbound Exit X03, Balagtas Toll Plaza Interchange Northbound Exit X03, Tabang Toll Plaza Northbound Exit X04, at Tabang Toll Plaza Northbound Entry E04.
- Latest
















