^

Metro

Pulis-Maynila, todas sa pamamaril sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Maynila, todas sa pamamaril sa Pasay
Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si PSSgt. Jomar M. Caliguiran, 39, nakatalaga sa MPD-District Tactical Operations Center (MPD-DTOC) bunsod ng tama sa dibdib, kili-kili at braso.
STAR/ File

2 pa sugatan sa ligaw na bala

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Manila Police District ang namatay matapos na pagbabarilin ng ri­ding-in-tandem na ikinasugat din ng dalawang  iba pa kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa  Pasay City General Hospital ang biktimang  si  PSSgt. Jomar M. Caliguiran, 39, nakatalaga sa MPD-District Tactical Operations Center (MPD-DTOC) bunsod ng tama sa dibdib, kili-kili at braso.

Sugatan naman dahil sa tama ng ligaw na bala ang mga biktimang  ina Aljon Valdenibro, 31, at Melchor Bermundo, 64, kapwa residente ng Pasay City. Ginagamot ang mga ito sa Manila Adventist Medical Cen­ter.

Batay sa imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang insidente bandang alas 8:00 ng gabi nitong Sabado, sa Taft Avenue at Primero De Mayo St., Barangay 90, Pasay City.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang biktimang pulis na nakaupo sa kanyang motorsiklo sa harapan ng Meijale Advertising, nang dumaan ang isa sa riding-in-tandem na nakasuot ng itim na helmet at itim na jacket.

Mistulang kumuha ng tiyempo ang nasabing lalaki at biglang naglakad pabalik at saka malapitang pinaputukan ng ilang ulit ang pulis.Bagama’t may tama, nagawa pang makatakbo ng bahagya ng biktima at gumanti ng putok, bago tuluyang bumagsak sa gilid ng bangketa. Isang lalaki naman ang nakitang tumutulong sa pulis habang nakasalam­pak na.

Sa hiwalay na kuha ng CCTV, makikita ang gunman na nakasakay na sa isang silver NMAX na minamaneho ng isa pang naka-helmet na suspek.

Natuklasan din sa isinagawang imbestigasyon na ang dalawang lalaki ay tinamaan ng ligaw na bala.

Mabilis na isinagawa ang hot pursuit at dragnet operations subalit bigo pang matunton ang mga suspek.

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with