Manila health certificate, balido sa loob ng 1 taon
MANILA, Philippines — Inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ginawa nang 1 taon ang validity ng health certificate na iniisyu ng Manila City Government para sa mga manggagawa.
Ginawa ni Domagoso ang anunsiyo kasabay ng kanyang pakikipagpulong sa may 150 fast food manager sa Manila City Hall nitong Martes. Aniya, kadalasang tatlong buwan lamang ang validity ng health certificate.
Umapela naman ang alkalde sa mga fast food managers na kaagad na ipatutupad ang bagong patakaran na mas tipid, mas magaan at mas maginhawa para sa lahat ng manggagawa at negosyante sa lungsod.
“Kapag inisyuhan ka ng health certificate, and if it is valid for one year, no matter what month you acquired, it will not expire December 31 — it will be expiring on the day, one year after the issuance,” dagdag pa ng alkalde.
- Latest

















