^

Metro

Crime rate sa Metro Manila bumaba ng higit 18% – NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Crime rate sa Metro Manila bumaba ng higit 18% – NCRPO
Members of the Quezon City Police District (QCPD) conduct a checkpoint on passing motorists along NIA Road in Quezon City on August 6, 2025.
The Philippine STAR/ Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Ikinagalak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Anthony Aberin ang pagbaba ng crime rate sa Metro Manila ng higit 18 porsiyento.

Ayon kay Aberin, umabot sa kabuuang 18.7 percent ang ibinaba ng focus crime mula Agosto 9 hanggang 16, 2025 kung saan pamamaslang at carnapping cases ang may pinakamalaking pagbaba.

Nabatid na 113 kaso ang naitala sa nasabing Linggo, na mas mababa ng 26 na kaso kumpara sa 139 insidente ng kaparehong period ng nakaraang taon.

Sa kaparehas din na panahon ay umaabot naman sa 358 katao ang naaresto ng NCRPO kabilang ang 138 na most wanted person.

Sinabi ni Aberin na sa walong focus crime, nanguna ang kaso ng pamamaslang, mula 12 kaso noong nakaraang taon ay 5 kaso na lang ang naitala ngayon; kaso ng panghahalay, mula 20 ay bumaba ito sa 14 na kaso; carnapping ng motorsiklo mula 4 na kaso ay walang kasong naitala ngayon.

Ang pagbaba ng crime rate ayon kay Aberin ay dahil sa pi­naigting na police visi­bility at quick response dahilan ng agresibong operasyon kontra krimen.

CRIME RATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with