^

Metro

2 Japanese pinapatay ng ‘kababayan’ - MPD

Doris Franche-Borja, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 Japanese pinapatay ng ‘kababayan’ - MPD
Ito naman ang sinabi ni Manila Police District (MPD) Ermita Police Station 5 chief PCol. Alfonso Saligumba kung saan lumilitaw na  inupahan umano ng  isa ring  Japanese national  ang magkapatid na suspek na sina Abel, 62, at Albert Manabat  50, upang patayin ang mga biktimang sina Akinobu Nakayama, 41, and Hideaki Satori, 53, sa halagang P9 milyon. Subalit P10,000 pa lamang ang paunang bayad na natatanggap ng magkapatid.
FIle

MANILA, Philippines — Pinapatay umano ng kanilang “kababayan” sa mga hired killers ang dalawang Japanese nationals na  hinoldap at pinatay nitong Biyernes.

Ito naman ang sinabi ni Manila Police District (MPD) Ermita Police Station 5 chief PCol. Alfonso Saligumba kung saan lumilitaw na  inupahan umano ng  isa ring  Japanese national  ang magkapatid na suspek na sina Abel, 62, at Albert Manabat  50, upang patayin ang mga biktimang sina Akinobu Nakayama, 41, and Hideaki Satori, 53, sa halagang P9 milyon. Subalit P10,000 pa lamang ang paunang bayad na natatanggap ng magkapatid.

Nabatid na ang dalawang biktima ay regular din aniyang bumisita sa Pilipinas upang maglibang at maglaro sa casino.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang tunay na motibo ng krimen, sino ang mga nasa likod nito at kung posibleng may kinalaman ito sa malaking sindikato sa Japan.

Kaugnay nito, inutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagtugis sa isa pang suspek.

Bagama’t isolated case ang incident, hindi aniya niya hahayaan  ang mga krimen ng tulad nito na mangyari sa lungsod ng Maynila.

“As we have pro­mised the people of Manila, we may not stop all crimes at the very moment they happen, but we will make sure justice will be served,” ani Domagoso

Sinampahan na ng kasong murder at theft ang dalawang naarestong suspek.

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with