^

Metro

SUV sumalpok sa iskul, 7 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
SUV sumalpok sa iskul, 7 sugatan
Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4 ng hapon nang mangyari ang insidente sa lobby ng Manila Central University (MCU) Brgy. 81, Caloocan City.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Isang SUV ang pumasok sa lobby ng isang paaralan sa Caloocan City na ikinasugat ng pito katao kamakalawa ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4 ng hapon nang mangyari ang insidente sa lobby ng Manila Central University (MCU) Brgy. 81, Caloocan City.

Nabatid na minamaneho ni Manuel Añonuevo, 70, ang kanyang Mitsubishi Montero na may plakang TQK 469 at susundo sa kanyang apo, nang aksidenteng maapakan ang silinyador.

Sa insidente, pito ang sugatan kung saan anim na estudyante na kinabibilangan ng apat na menor-de-edad at isang school staff.

Giit ng driver, nakapreno siya ngunit biglang umarangkada ang sasakyan.

Bagamat nangako ito na tutulong sa gastusin ng mga biktima, maaari pa ring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property.

MITSUBISHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with