^

Metro

3 katao sugatan sa karambola ng 5 sasakyan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasugatan nang magkarambola ang limang sasakyan sa Pandacan, Manila kahapon ng hapon.

Kaagad namang naisugod sa pagamutan at nabigyan ng lunas ang mga biktima na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad.

Batay sa ulat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Office, nabatid na dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang aksidente sa Mabini Bridge, sa Pandacan.

Kabilang umano sa mga nasangkot sa aksidente ay isang ­10-wheeler truck na may dalang coconut oil, tatlong sport utility vehicle (SUV), at isang motorsiklo.

Lumilitaw na nawalan ng kontrol ang naturang truck, sanhi upang araruhin ang apat na sasak­yan na nauna sa kanya.

Wasak ang harapang bahagi ng truck na natigil lamang nang sumadsad sa gilid na bahagi ng tulay.

Nagdulot naman ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar ang aksidente.

DRRM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with