Mayor Joy, nahalal na bagong LCP Chair

MANILA, Philippines — Nahalal bilang bagong National Chairperson ng League of Cities of the Philippines (LCP) si Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa taong 2025-2028 sa ikalawang araw ng LCP General Assembly.
Dumalo rin si Mayor Belmonte sa Executive Meeting ng Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO PLUS) Program na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government-National Capital Region na layong pagtibayin at paigtingin pa ang kolaborasyon at pagtutulungan ng mga local leaders sa NCR tungo sa mas mahusay na pamumuno at paghahatid ng serbisyo-publiko.
Ang pagpupulong ay pinangunahan naman ni DILG Sec. Jonvic Remulla na dinaluhan ng mahigit 80 miyembro na nakiisa sa 75th General Assembly ng organisasyon.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte bilang LCP Acting National President, kasama sina Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Baguio City Mayor Benjamin Magalong at iba pang mga alkalde mula sa iba-ibang lungsod at munisipalidad.
Samantalang tinalakay sa assembly ang turnover ng financial assistance para sa mga lungsod na lubhang apektado ng kalamidad at nagkaroon din ng panel discussion ukol sa good urban governance kasama ang mga eksperto mula sa iba-ibang larangan.
- Latest
















