P22 milyong kush nasamsam sa Briton sa NAIA

MANILA, Philippines — Isang British national ang inaresto matapos na makuhanan ng higit P22 milyong halaga ng marijuana kush sa isinagawang interdiction operation sa Customs International Arrival Area, ng NAIA Terminal 3, Huwebes ng gabi.
Batay sa report nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa kontrabando kaya ikinasa ang operasyon ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) Philippine Drug Enforcement Agency - Regional Office NCR, Bureau of Customs - CAIDTF, PNP Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement Group, National Bureau of Investigation, at Bureau of Immigration.
Nakuha kay alyas “Patrick” na galing Bangkok, Thailand ang nasa 15 kilo ng marijuana kush na nakabalot sa 35 transparent plastic pouches sa loob ng kanyang maleta at mga non-drug items, kabilang ang identification documents, boarding pass, at cellphone.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Article II of Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang Briton.
- Latest


















