^

Metro

May National ID, libre sa MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
May National ID, libre sa MRT-3
Sa abiso ng MRT-3 sa kanilang social media pages, nabatid na epektibo ang nasabing Libreng Sakay mula 9:00AM hanggang 11:00AM at mula 6:00PM hanggang 8:00PM, sa mga araw ng Miyerkules ng Agosto, o sa mga petsang Agosto 6, 13, 20 at 27.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Good news! Ito’y dahil nagkakaloob ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga pasaherong gagamit ng National ID sa pagsakay ng linya, sa lahat ng Miyerkules ng buwan ng Agosto.

Sa abiso ng MRT-3 sa kanilang social media pages, nabatid na epektibo ang nasabing Libreng Sakay mula 9:00AM hanggang 11:00AM at mula 6:00PM hanggang 8:00PM, sa mga araw ng Miyerkules ng Agosto, o sa mga petsang Agosto 6, 13, 20 at 27.

Ayon sa MRT-3, ang naturang Libreng Sakay ay alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapalaganap ang paggamit ng National ID, para sa mas madaling mga transaksiyon, pampubliko man o pribado, at mas mabilis at inklusibong paghahatid ng mga serbisyong panlipunan.

Kinakailangan lamang umano ng pasahero na iprisinta ang physical card, printed paper, o digital copy version ng kanilang National ID sa security personnel sa service gate ng mga istasyon upang makatanggap ng Libreng Sakay.

Ang MRT-3 ay buma­baybay sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) at nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City.

MRT

NATIONAL ID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with