Parking sa Metro Manila problema dahil sa coding - PISTON
MANILA, Philippines — Isinisisi ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa number coding ang problema sa parking sa Metro Manila.
Ayon kay PISTON national president Mody Floranda, dumami ang sasakyan sa MM dahil sa Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) na nagbabawal sa ilang sasakyan na makabiyahe. Aniya sa number coding nagsimula ang mga car owners na bumili ng dagdag na sasakyan para may magamit sa lahat ng araw kada linggo.
Payo ni Floranda sa DILG, pag-aralan muna ang panukala bago ipatupad lalo’t marami rin namang government-owned vehicles ang lumalabag sa street parking rules. Ipinanukala rin ni Floranda na magtalaga ang mga barangay ng designated central parking area.
Sa panukala ng DILG, ipatutupad ang street parking ban mula 5 a.m. hanggang 10 p.m. habang ang panukala naman ng Metropolitan Manila Development Authority ay dapat ipatupad sa rush hours, mula 7 a.m. hanggang 10 a.m. at mula 5 p.m. hanggang 10 p.m.
- Latest




















