^

Metro

4 sugatan sa pagsabog sa Maynila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 sugatan sa pagsabog sa Maynila
Iniimbestigahan na ng MPD Explosives and Ordnance Division (EOD) ang crime scene matapos ang pagsabog sa Tayuman corner Dagupan St. sa Maynila na ikinasugat ng 4 katao.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Apat na manga­ngalakal ang sugatan sa isang pagsabog  na naganap kahapon ng  hapon sa Tondo, Manila.

Hindi na pinangalanan pa ng mga awtoridad ang mga biktima sa insidente.

Batay sa ulat ng District Explosive and Canine Unit (DECU) ng Manila Police District (MPD), alas-2:30 ng hapon nang maganap ang pagsabog sa Tayuman St. kanto ng Dagupan St. sa Tondo

Sa pahayag ng Brgy. Kagawad na si Nino Cervantes, 45, ng Brgy. 54, sa Tondo, nakuha ng apat na biktima sa kanilang  pangangalakal ang isang  tila compressor ng  aircon.

Naisipan ng mga biktima na i-dismantle o kalasin ang  tila  compressor hanggang sa biglang  sumambulat.

Kaagad namang naisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga nasugatang biktima upang malapatan ng lunas.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

CERVANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with