^

Metro

Retired Journo, inaresto at kinaladkad ng pulis?

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Retired Journo, inaresto at kinaladkad ng pulis?
Batay sa Facebook post ng kolumnistang si Ramon Tulfo nitong Linggo, Agosto 3, nakakulong ngayon ang senior citizen na si Gloria Jane Baylon matapos umanong tumawag ng pulis ang kapwa nito pasahero na si alyas “Marlene” na kanyang nakasagutan. Reklamo ni alyas “Marlene”, 35, tinawag siyang “idiot” at “birdbrained” ni Baylon.
Pixabay

Away sa loob ng bus

MANILA, Philippines — Nagsasagawa nga­yon ng imbestigasyon ang  Muntinlupa Police  Station hinggil sa insidente ng umano’y  pag-aresto at pagkaladkad umano ng mga pulis  sa isang 80-anyos na retiradong journalist sa loob ng  bus noong Agos­to 1 sa Muntinlupa City.

Batay sa Facebook post ng kolumnistang si Ramon Tulfo nitong Linggo, Agosto 3, nakakulong ngayon ang  senior citizen na  si Gloria Jane Baylon matapos umanong tumawag ng pulis ang  kapwa nito pasahero na si alyas “Marlene” na kanyang  nakasagutan. Reklamo ni  alyas “Marlene”, 35, tinawag siyang “idiot” at “birdbrained” ni Baylon.

Bago ito, lumilitaw na nagsimula ang  tensiyon nang makisali si alyas “Marlene” sa  pakikipagtalo ni Baylon sa isa pang senior citizen. Walang pisikal na pananakit umano sa insidente kundi verbal lamang.

Subalit tumawag umano si alyas “Marlene” ng mga pulis na agad na dumating kung saan inaresto at umano’y kinaladkad si Baylon. Napunit din ang  damit ni Baylon.

Pumutok ang balitang inaresto si Baylon sa Facebook post ng mamamahayag na si Gina Mape alas-10:12 ng gabi ng Agosto 1, 2025, na humihingi ng saklolo sa pamamagitan ng Facebook post para matulungan ang retired journalist, dahil ikinulong siya at walang matawagang abogado.

Umani naman ng  samu’t saring reaksiyon at simpatiya ang FB post kay Baylon na hindi umano dapat kinaladkad dahil senior citizen na ito at isang babae. Binatikos din ng netizen ang isyung binanggit ni Tulfo na “malakas sa pulisya” si Marlene dahil agad na narespondehan sa simpleng alitan lamang.

MUNTINLUPA

POLICE

STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with