^

Metro

Wanted na miyembro ng ‘Luffy’, arestado sa BI

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Wanted na miyembro ng ‘Luffy’, arestado sa BI
Si Kensuke Kudo, 28, isang Japanese national na wanted sa Tokyo ay dinakip dahil sa kanyang pagkakasangkot sa isang malawakang operasyon ng pandaraya. Nahuli si Kudo alinsunod sa umiiral na mga immigration warrant at mga derogatory record.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Naaresto ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na umano’y kaanib ng kilalang sindikato ng kriminal na “Luffy”.

Si Kensuke Kudo, 28, isang Japanese national na wanted sa Tokyo ay dinakip dahil sa kanyang pagkakasangkot sa isang malawakang operasyon ng pandaraya. Nahuli si Kudo alinsunod sa umiiral na mga immigration warrant at mga derogatory record.

Nabatid na  isinagawa Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG) at National Police Agency (NPA) ng Japan ang operasyon nitong Agosto 1 sa isang residential area sa Taguig.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na isang warrant of arrest ang inilabas laban kay Kudo ng Tokyo Summary Court noong Enero para sa pagnanakaw na labag sa Japanese Penal Code.

Ang mga ulat mula sa mga awtoridad ng Japan ay nagsiwalat na si Kudo at ang kanyang mga ka­sabwat ay nagpanggap bilang mga opisyal na nagpapatupad ng batas upang linlangin ang mga matatandang biktima na isuko ang kanilang mga ATM card at personal na impormasyon.

Pagkatapos ay ginamit umano ng grupo ang ninakaw na data para mag-withdraw ng mala­king halaga ng pera nang walang awtorisasyon.

Ani Viado, ang pag-aresto kay Kudo ay isang malaking hakbang sa pagbuwag sa mga dayuhang kriminal na sindikato na nagsasamantala sa teritoryo ng Pilipinas.

Si Kudo ay kabilang sa mga natitirang aktibong miyembro ng “Luffy” syndicate.

LUFFY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with