P25 milyong halaga ng ketamine sa Balik-bayan box, buking
MANILA, Philippines — Umaabot sa P25 milyong halaga ng ketamine (hallucinogenic drugs) na tangkang ipuslit sa Port of Clark ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules ng umaga.
Bandang alas-11:12 ng umaga nitong Miyerkules nang naharang sa interdiction operation ng mga operatiba ng PDEA Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, NBI Pampanga District Office, PNP Aviation Security Unit 3, at Mabalacat Police Station ang limang kilo ng ketamine na nakalagay sa parcel mula sa Belgium. Ang mga droga ay nakatago sa anim na role ng data cable.
Ayon sa PDEA, inilunsad ang operasyon ng Interdiction kasunod ng tip na ipinadala ng PDEA Investigation Service (IS) sa PDEA Region 3, na nagpaalerto sa kanila sa pagdating ng isang ketamine-laden parcel sa Port of Clark.
Ang ketamine ay itinuturing na isang mapanganib na gamot sa ilalim ng batas ng Pilipinas at nauuri bilang mga hallucinogenic na gamot.
- Latest



















